Sunday, March 21, 2010

Magresiklo Tayo!


Entrepreneurs at Ang Kanilang Papel sa Pag-recycle ng mga Na-phase out na Modelo ng Cellular Phones






Panukalang Pahayag:
Mas magandang produkto ang nagagawa mula sa recycled na parte ng cellphones.

Introduksyon:

Ayon sa phonearena.com. sa 6.6 bilyong tao na nakatira sa mundo, 3.3 bilyon amg mayroon o gumagamit ng cellphone at mahigit 500 milyon na ang natatalagang nagawang cellphone ng Nokia simula nang ipakilala sa buong mundo ang cellphone.

Hindi nakapagtataka ang mga datos na nakuha dahil lubhang nakatutulong talaga ang paggamit ng cellphone bukod pa sa sumasabay sa modernong teknolohiya ay maeengganyo ka talaga dahil sa iba’t-ibang hugis, kulay, at disenyo nito. Nakadaragdag din ang sinasabing iba’t – ibang “features” nito depende sa pangangailangan mo. Pwede ka ng kumuha ng litrato, makinig sa paborito mong tugtugin, makita ang kausap mo sa pamamagitan ng tinatawag sa 3G, kumunekta sa internet at marami pang iba.

Masasabi natin ang nagagawa ng cellphone sa atin ay nakamumura sa ating mga bulsa at nakapag-papabilis ng pagpapadala ng mensahe sa ibang tao kumpara sa nagagawa ng liham.
Masasabing isa na ang cellphone sa pinaka-importanteng bagay ngayon sa mundo. Halos lahat ng gumagamit nito ay wala ng paki-alam kung saan na napupunta ang mga nadidispose na yunit ng cellphone o iyong mga wala na sa uso. Karamihan na din sa mga gumagamit ng cellphone ay hindi na nila tinitignan ang gamit nito, itinuturing na lang nila itong “fashion” para sumabay sila sa uso. Para na lang silang nagpapalit ng damit na kapag wala na sa uso ay hindi na pinapahalagahan at hindi na rin nila naiisip kung saan napupunta ang mga mga ito at ang mga na-phase out na. Anu-ano ba ang papel ng mga entrepreneurs sa pag-recycle ng mga piyesa ng cellphones? At anu ang magiging epekto nito sa ating kalikasan na pinangagalingan ng mga hilaw na materyales para makabuo ng isang produkto?


Paglalahad ng Suliranin:

Maraming mga bagong yunit ng cellphone ang nagsisipaglabasan sa merkado. Mabilis umusad ang teknolohiya sa buong mundo dahil nakagagawa agad ang mga kompanyang ito ng mga panibagong yunit na mas makakabilis sa pakikipagkomunika ng tao sa bawat isa. Ngunit ano nga ba ang nangyayari sa mga lumang yunit ng cellphones o yung mga tinatawag na ‘na-phase-out’ na?

Nais ng mga mananaliksik na malaman ang mga ginagawa ng mga cellphone companies sa mga na-phase-out na cellphone at ang mga hakbang na kanilang ginagawa upang makatulong sa pagbawas ng mga waste sa mundo.


  • Ano ang proseso na isinasagawa sa pagre-recycle ng mga na-phase-out na cellphone units?

  • Ano ang epekto ng prosesong ito sa kalikasan?

  • Hindi ba maaapektuhan ang kalidad ng bagong produkto dahil ito ay gawa sa recycled na bahagi ng lumang cellphone?

  • Gaano katagal ang effectivity ng bagong produkto na yari sa mga recycled parts ng cellphone?

  • Mas maganda nga ba ang mga produktong nagagawa mula sa mga recycled parts?

  • Nararapat ba ang presyong nilalapat sa mga produktong gawa sa recycled parts?


  • Ilang beses maaaring gamitin ang bawat bahagi ng cellphone?


  • Nagampanan ba ng mga cellphone companies ang kanilang tungkulin sa pagpe-preserba ng mga likas na yaman ng bansa?


  • Naisasakatuparan ba nila ang mga layunin ng kanilang kompanya?


  • Maatagumpay ba nilang nakakamit ang satisfaction at expectations ng mga consumers?


Personal o Panlipunang Udyok:


Ang mga mananaliksik ay napunang lumalala na ang problema natin sa kalikasan na kung saan ang isa sa mga nagiging dahilan ng pagkasira nito ay ang mga makabagong teknolohiya. Kaya naisip ng mga mananaliksik na gumawa ng isang pananaliksik tungkol sa mga makabagong teknolohiya na ito, partikular na ang mga cellular phones. Maliit man ang mga ito dala dala nito sa kanilang partee ang mga mapanganib na mga materyales na hindi lang mapanganib sa katawan o sa gumagamit mismo ng bagay na ito pati din sa kalikasan.
Ang mga mananaliksik din ay mayroong mga hindi na ginagamit na cellular phones at nais nilang makatulong sa kalikasan, gusto nilang malaman kung saan nila maaaring idala ang mga ito o kung anu ang pinakamainam na gawin sa mga ito na hindi mapapabilang o makadaragdag sa lumalalang pagkasira ng ating kalikasan.

Rebyu/ Pag-aaral:


  • Balikas Online
    Ang Nokia corporation at SM malls ay nagtutulungan upang mailunsad ang proyektong paglagay ng nokia cellphone battery recycling bins sa lahat ng malls sa buong bansa. Una itong naisakatuparan sa lungsod ng batanggas noong ika-21 ng setyembre. Ang proyektong ito ay para sa mga sira, luma at mga cellphones na panapon. Imbis na itapon o itambak ang mga gamit na ito, marapat na ilagay na lamang ito sa mga recycling bins dahil malaki ang epekto ng mga toxic chemicals, na mula sa mga parte ng cellphone, sa ating kapaligiran at lalo na sa kalusugan ng mga tao. Ayon sa pag-aaral, ang battery ng mga cellphones ay may lamang tingga na maaring makalason, magdulot ng kawalan ng ganang kumain, at matinding sakit ng ulo. Layunin ng proyektong ito na mabigyang kaalaman ang mga tiga-tangkilik ng cellphone ukol sa tamang paraan ng pagtapon sa mga sira at lumang bahagi ng cellphone. Bilang ganti, ang may-ari ng SM malls at ang Nokia Corporation ay magdo-donate sa pag-aayos ng La Mesa Watershed sa bawat isang kilo ng materyales na maiipon sa cellphone recycle bin.


  • GMA news
    Ang Ayala management corporation ay naglagay din ng recycle bins sa mga Glorietta malls upang maging lalagyan ng mga sira at hindi na ginagamit na cellphone, battery, at charger. Ang mga batteries at iba pang bahagi ng cellphone ay nagtataglay ng mga nakalalasong kemikal na maaring makaapekto sa kalikasan at kalusugan ng tao. Ito ay proyekto ng Department of Trade and Industry kasama ang Cellphone Companies, Cellphone Manufacturers, Japan International Cooperation Agency, at Glorietta malls. Ang proyektong ito ay suportado din ng environmental group na Greenpeace. Ang mga recycle bins ay inilagay malapit sa mga cellphone repair shops upang mahikayat ang publiko na dito magtapon ng sirang cellphone. Ayon kay Eric Capule, pinuno ng solid waste management ng Ayala Management Corp, mabuting sa recycling bin na itapon ang mga lumang cellphone kaysa sa mga basurahan upang maiwasan ang mga bagay na nakasisira sa kapaligiran at maaari ring maging sanhi ng sakuna sa tao.


  • http://www.lge.com/ph (LG company)
    Ang kompanyang LG Electronics ay nakikiisa sa pagtulong sa kalikasan sa pamamagitan ng paggwa ng mga produktong environment friendly.
  • http://www.nokia.com/we-recycle (Nokia Company)
    Ayon naman sa official site ng Nokia corporation, nagpanimula ng paglalagay ng recycle bins sa mga malls, naisip nilang gumawa ng ganitong proyekto para din sa pagtulong sa ating kalikasan.


  • Basic Hazardous Waste Management
    Ayon sa librong “Basic Hazardous Waste Management”, ang pagrerecycle ay tutmutukoy sa paggamit o muling paggamit ng mga hazardous wastes na ito bilang pamalit sa mga commercial products o kaya’y kapag ang mga hazardous wastes na ito ay ginagamit bilang sangkap sa mga industrial process. Iniimplika nito ang paggamit muli ng maayos sa mga hazardous waste na ito.

  • Webster’s Dictionary
    Ayon sa Webster’s Dictionary, ang ibig sabihin ng toxic ay mga nakakalason at mga nakakamatay na bagay. Ito ay maaring makaapekto sa kalusugan ng tao at sa kalikasan lalo na kapag humalo ito sa lupa o sa tubig. Ang “battery” naman ay grupo ng mga cells na ginagamit upang magkaroon ng kuryente para sa iba’t ibang bagay katulad ng sa mobile phones at kotse. Ang “waste” naman ay tumutukoy sa mga bagay na hindi na maaring mapakinabangan pa. At ang “recycle” naman ay isang proseso kung saan ang mga ibang hilaw na materyales ay gagamitin muli upang makabuo ng isang panibagong produkto.

Layunin:


Ang mga mananaliksik ay naglalayon na iparating sa mga consumers o cellphone users ang kanilang maaaring kontribusyon sa kalikasan sa tuwing sila’y tumatangkilik ng mga produktong ito. Bukod sa nabanggit, ang mga mananaliksik ay naglalayon din na maisakatuparan ang mga sumusunod:
  • Upang maihatid sa mga consumers na mayroong parte/bahagi ng cellphone na ni-reccycle lamang.


  • Upang malaman kung nakababawas nga ba sa “waste” ang pagre-recycle ng mga parte ng cellphone na na-phase-out na.


  • Upang malaman kung ang mga recycled parts ba ng lumang cellphone ay nakakaapekto sa kalidad ng bagong produkto na mayroong bahagi na recycled na.
Kahalagahan:


Ang pananaliksik ay para sa mga taong gumagamit at tumatanglilik sa produktong cellphone. Ito ay isinagawa upang maging aware o mamulat ang kanilang mga isipan sa mga maaari nilang maitulong sa kalikasan nang hindi sinasadya, sa tuwing tatangkilikin nila ang mga produktong gawa sa recycled parts ng lumang cellphone. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa kalikasan dahil sa tuwing ang bawat gadget na ginagamit ay mula sa recycled parts, nababawasan din ang mga bagay na maaaring makasira sa kalikassan dahil imbes na itapon ang mga bahagi ng lumang cellphone ito ay ginagawa muli upang gamitin sa panibagong uri/disenyo ng cellphone. Ang pananaliksik ding ito ay isinagawa upang matulungan ang mga consumers na makapili ng environment-friendly na electronic gadget na maaaring makatulong sa ating kalikasan.

Metodolohiya:

Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng mga impormasyon ukol sa kanilang napiling paksa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng panayam sa ilang kompanya ng cellphone at ilang cellphone repair shop sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa mga kompanyang ito, malalaman ng mga mananaliksik kung mas magandang produkto nga ba ang nagagawa mula sa recycled parts ng mga lumang cellphone at kung ang mga nalikom na impormasyon ay maihatid sa mga tumatangkilik ng kanilang produkto. Sa paraan ding ito malalaman kung gaano nakiki-isa ang mga cellphone companies upang malabanan ang patuloy na paglala ng suliraning pang-kalikasan.

Saklaw at Delimitasyon:

Napansin ng mga mananaliksik na karamihan saa mga Pilipino na naninirahan at nagta-trabaho sa Metro Manila ay tumatangkilik sa mga produktong Nokia, Samsunsg, LG at iba pang brand ng cellphone. Napili ng mga mananaliksik sa kapanayamin ang kompanyang Nokia dahil na rin sa mga recycle bins na makikita sa iba’t ibang establishimento hindi lang sa Metro Manila, kung hindi pati rin sa buong Pilipinas at ang kompanyang LG dahil na rin sa mga environment-friendly nilang produkto na nakalagay sa kanilang wedsite.

Daloy ng Pag-aaral:


  1. Sa unang bahagi ng pag-aaral nakasaad ang mga datos na nalikom ng mga mananalikssik ukol sa nasabing paksa. Kasama sa mga datos na nalikom ay aang mga artikulo ukol sa mga hakbang na ginagawa ng 2 sa maraming producers ng cellular phones at ilang cellphone repair shops din upang masigurong hindi ito nakaka-apekto sa kalikasan.



  2. Sa ikalawang bahagi ng pananaliksik, isassaad ng mga mananaliksik ang kanilang iba’t ibang interpretasyon sa mga datos na kanilang nakalap. Kung nasagot ba ang mga tanung ng mga mananaliksik ay malalaman sa bahaging ito.



  3. Sa ikatlo at huling bahagi ng pananaliksik , isasaaad ng mga mananaliksik ang kanilang rekomendasyon at konklusyon ukol sa kanilang napiling paksa.

I. Introduksyon ng Paksa:


Ang pagre-recycle ay isang paraan na paggamit muli ng isang produkto o bahagi ng produkto upang makagawa muli ng panibagong produkto. Sa panahong ito, ang pagre-recycle ay isa sa mga priyekto na ipinatutupad ng bawat bansa sa buong mundo upang maibsan o mapigilan ang patuloy na paglala ng suliraning pang-kalikasan. Isa sa mga bagay o produkto na hindi inaasahan ng mga tao na nire-recycle ay ang mga cellular phones o mobile phones. Ayon sa aklat na Mobile Communications, ang pakikipagkomunika gamit ang cellular phones ay isa sa mga pinakamabilis na lumaki o dumami na sector pagdating sa telecommunications at isa sa mga nakapagpabago sa mundo, ilang taon nang nakararaan. Ang ideya na pagre-recycle ng lumang cellphone ay nabuo ng isa sa mga pinakamalaking cellphone companies sa buong mundo noong unang taon ng 2000: Ang kompanyang Nokia. Nakasaad sa kanilang website na ang pagbuo ng ideya ng pagre-recycle ay ayon sa survey na kanilang ginawa sa 13 na bansa sa buong mundo. Sa survey na kanilang isinagawa, 44% sa mga taong kanilang isinurvey ang ini-imbak lamang sa kanilang bahay at 3% lamang ang nagre-recycle ng kanilang mga cellphones. Dahil sa resulta ng isinagawang survey, bumuo ng ideya ang kompanyang Nokia upang magamit muli ang mga lumang cellphone na ito at ang ideyang ito ay ang paglalagay ng mga recycle bin sa iba’t ibang establishment na dinadagsa ng tao. Isa rin ay ang kompanyang LG electronics, sila ay gumagawa ng iba’t ibang produkto na environmental friendly tulad na lamang ng pagkakaroon ng power saver sa kanilang mga produkto, kasama na dito ang mga cellphones at mp3 players. Sa mga paraan o proyekto na ipinatutupad ng mga kompanyang ito, mababawasan ang pagtapon ng mga iba’t ibang hilaw na materyales at mas makababawas ito sa suliranin tungkol sa global warming.


II. Datos Mula sa Cellphone Companies at Cellphone Repair Shop:


Ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos sa pamamagitan ng pakikipagpanayam sa dalawa sa mga kompanya ng cellphone sa Pilipinas: ang Nokia at ang LG Electronics. Ngunit sa kasamaang palad, ang mga mananaliksik ay hindi nabigyan ng pagkakataong makapanayam ang isang opisyal ng bawat kompanya dahil na rin sa kakulangan ng oras ng ma empleyado at pati na rin ng mga mananaliksik. Ngunit ang mga mananaliksik ay binigyan ng isang reliable na source ng mga kompanyang ito upang masagot ang mga tanong ng mga mananaliksik: ang kanilang mga websites. Ayon sa empleyadong nakapanayam ng mga mananaliksik, sa website na iyon makukuha at malalaman ang lahat ng impormasyon at detalye ukol sa napiling paksa ng mga mananaliksik.



Ang “We:Recycle” ng Nokia.
Nagsimula ang kompanyang Nokia na maging kaagapay ng iba pang mga kompanya sa buong mundo at gumawa ng Eco Declaration sa lahat ng kanilang produkto noong 2001 http://www.nokia.com/environment/we-create. Sila’y gumawa rin ng mga produkto na maaaring makatulong sa kalikasan, ayon sa artikulo na nakalagay sa website na http://www.nokia.com/environment/our-responsibility/nokia-firsts-in-environment. At ayon din sa parehong website ay noong 2007, kanilang ipinakilala ang pinakamabisang pangkuha ng enerhiya na charger, ang AC-8 at sa parehong taon din ay ipinakilala nila sa buong mundo ang unang cellphone na gawa sa bioplastics, ang 3110 Evolve. Ayon sa artikulo na nakalagay sa website ng nokia na http://www.nokia.com/environment/we-create/materials-and-substances, ang produktong ginagawa ng kanilang kompanya ngayon ay yari halos sa plastic (45%); pumapangalawa ang mga metals tulad ng copper, iron at aluminum alloys (35%); pumapangatlo ang mga glass at ceramics (10%); pang-apat ay ang mga precious metals tulad na lamang ng ginto, platinum at silver (.11%); at ang pang-lima at panghuli ay ang mga non-metal na materyales(.09%).












Ayon sa mga imposmasyong nakalap ng mga mananaliksik sa website na http://europe.nokia.com/find-products/devices/nokia-3110-evolve, ang nasabing yunit ay kalahating porsyentong yari sa bioplastic at kung sa kalidad naman ay ito rin aty katulad ng iba nilang prodikto na yari sa mga bago o brand new parts. Ayon sa website na Noong taong 2004, tinanggal ng kompanyang Nokia ang lead sa mga charger ng kanilanh produkto at ito ay kanilang pinalitan AC-10 na battery o mas kilala bilang solar battery. Gamit ang uri na battery na ito ay mas makakatipid ito ng enerhiya ng 10% kumpara sa naunang charger na mayroong lead. Ayon sa artkiulo naman na nakalagay sa website din ng nasabing kompanya na http://www.nokia.com/environment/our-responsibility/substance-and-material-management, noong 2008 ay nakalikha sila ng 16 na cellphone na walang brominated compounds, antimony trioxide at chlorinated compounds, ilan dito ang yunit na 5800 Express Music at ang mga Supernova cellphones ng Nokia. Ang mga tinanggal na materyales ay nakakasama sa kalusugan ng tao at nakakasanhi pagkakaroon ng liver cancer at problema sa pag-iisip ng tao, ayon sa isang artikulo ng buildinggreen.com, isang independent na kompanya na naglalayong ibahin ang hilagang bahagi ng America bilang isang pwersa para sa lokal, rehiyonal at global na proteksyon sa kalikasan. Ang kompanyang Nokia ngayon ay patuloy na ipinakakalap ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng paglalagay ng mga recycle bins sa iba’t ibang malls at establishments sa buong bansa. Sa pamamagitan nito, mas mapapadali ang pagre-recycle ng mga lumang bahagi ng cellphone na tiyak na makakatulong hindi lamang sa kanilang mga consumer kung hindi pati na rin sa pagapapaganda ng kalikasan. Sa ngayon ay inilabas nila ang mga panibagong yunit ng cellphone: 5630 Express Music, 6710 Navigator, 6720 Classic, 6730 Classic, E52, E55 at E72. Ang nasabing mga yunit ay 40-60% mula sa mga recycled materials, 80% ng mga bahagi nito ay maaaring i-recycle at 100% ng packaging nito ay mula sa mga recycled na materyales, ayon sa kanilang website na http://www.nokia.com/environment/we-create.

Ang “Energy, Environment, Safety and Health (EESH)” Management Activities o “Green Programs” ng LG Electronics.
Ayon sa artikulong Environmental Vision na makikita sa website na http://www.lge.com/ph/about-lg/sustainability/environmentang LG electronics ay nagpatupad ng mga programa at aktibidad na naglalayong makagawa ng mga produktong environmentally-friendly upang mapangalagaan ang kalikasan at mga produktong ligtas gamitin ng mga tumatangkilik ng kanilang mga produkto. Ang kanilang produkto na environmentally-friendly ay kanilang tinatawag na “Green Products”. Ang mga Green Products na ito ay nilikha upang mabawasan ang magiging epekto ng produktong ito sa kalikasan.








Ayon sa artikulong Eco Design sa website na http://www.lge.com/ph/about-lg/sustainability/environment/green-products, ang LG Electronics ay ang kauna-unahang kompanya sa Korea na nagpahayag ng “Cleaner Environment” noong 1994 at makalipas ng ilang taon ay nailabas nila ang concept map na ito hango sa mga prinsipyo ng kanilang kompanya. Sa concept map na ito makikita ang kanilang mga adhikain at mga programa upang maging matagumpay ang kanilang pagpapanatili ng kagandahan ng kalikasan. Dahil sa kanilang mga programa ay ang mga bahagi ng kanilang mga produkto ay gawa sa mga materyales na ligtas gamitin at hindi nakakasama sa kalikasan, tulad na lamang nang sa mga cellphone na kanilang ginagawa. Ayon sa artikulong Products application ng kanilang web address na http://www.lge.com/ph/about-lg/sustainability/environment/green-products, ang mga bahagi ng kanilang cellphones ay pinalitan ng mas ligtas na materyales, mas kaunting enerhiyang ginagamit at nare-recycle. Ayon din dito, ang mga materyales na ipinagbabawal ng European Union Restriction of the Use of the certain Hazardous Substances (EU RoHS) ay hindi makikita sa kanilang mga cellphone dahil na rin sa epekto nito sa kalusugan ng tao at sa kalikasan. Ang kanilang yunit na inilabas noong Enero ng taong 2008 na KU380, bilang bahagi ng EU IPP onvention project sa hilagang bahagi ng Europa.




Bukod sa pakikipag-ugnayan sa mga web links na ibinigay ng 2 kompanya ng cellphone, pinili din ng mga mananaliksik na makapanayam ang mga cellphone technicians na bihasa pagdating sa mga bahagi ng cellphones. Minabuti ng mga mananaliksik na gawing lihim sa mga cellphone technicians ang pagsasagawa ng interbyu upang hindi sila magdalawang- isip na ipamahagi ang kanilang nalalaman.
Ayon sa kanilang nakapanayam na technician mula sa isang cellphone repairshop sa Morayta, ang mga bahagi ng mga luma o sirang cellphone ay kanilang chine-check muli kung maari pa ulit itong magamit. Kapag ang mga piyesa o ang mga bahagi ng nasabing nasira o luma nang cellphone ay nasa mabuting pang kalagayan, ito’y kanilang gagamitin muli. Ito’y kanilang aayusin kung maaayos pa o kaya naman itatapon na kung ito’y hindi na magagawan ng paraan. Kung ito’y kanilang maaayos, ito’y kanilang ibebenta sa mas mababang presyo o kaya naman ipangpapalit sa isang cellphone na ang piyesang iyon ang kailangan. Nang tinanong ng mga mananaliksik kung hindi ba maaapektuhan ang kalidad ng cellphone, ayon naman sa kanila ay hindi dahil gumagana pa naman daw ang piyesang ito at maaari pa naman dawn a pakinabangan.
Ang ikalawang technician naman na nakapanyam ng mga mananaliksik ay mula sa Commonwealth Public Market. Ayon sa kanya ay mas maganda daw ang cellphone na nagagawa kung ang mga bahagi nito ay recycled o mula sa lumang yunit ng cellphone kung ikukumpara sa brand new. Ang dahilan ni manong technician ay dahil sa brand new na piyesa, minsan ito’y hindi gumagana hindi tulad kapag 2nd hand na piyesa o lumang piyesa ng cellphone, subok na at siguradong gagana pa. Ayon din sa kanya, halos lahat naman daw ng mga repair shops ay gumagamit ng mga lumang piyesa ng cellphone dahil kapareho lang naman ito nung sa brand new. Minsan daw ay kapag may mga cellphone na hindi na nabubuhay ay iniiwan na lamang sa kanila o kaya naman ay ibinebenta sa kanila ng may-ari at chine-chrck nila ang mga piyesa na maaari pang magamit o nasa magandang kondisyon pa naman. Ang mga piyesa daw na ito ay kanilang nilalagay sa mga nagpapa-repair sa kanila. Kunwari, ang sira ng cellphone ay LCD; ang kanilang ilalagay ay isang LCD mula sa isang luma at sirang cellphone. Sa ganitong paraan daw ay mas makakamura ang magpapagawa at hindi pa masasayang ang mga piyesa ng mga nasirang cellphones.


III. Konklusyon:


Matapos maisagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral ukol sa mga cellular phones na gawa sa mga recycled parts ng mga lumang cellphone, napagtanto nila na mas maganda nga na cellphone o bagong produkto ang nagagawa mula sa mga pinagsama-samang bahagi ng luma o sirang cellphone. Sa pananaliksik na ito napatunayan na mayroon talagang pera sa basura at mula sa basura ay mayroong mas magandang produkto nabubuo mula sa mga piyesang ito. Sa paraan ng pagre-recycle ng mga lumang parts ay mas napapakinabangan at nabibigyan ng halaga ang mga lumang bahagi nito at mas nakatutulong ang parehong consumers at manufacturers sa pagpapanatili ng kagandahan ng kalikasan.
Nirerekomenda ng mga mananaloksik na huwag isawalang bahala ang mga bagay na ganito sapagkat talagang malaki ang impact nito sa ating kalikasan. Isang magandang halimbawa ang ginagawa ng LG at Nokia na pagre-recycle,nais ng mga mananaliksik na ipaalam sa ibang cellphone companies at iba ring kompanyang ngpo-produce ng mga electronic gadgets na mayroon mga hazardous materials sa mga parte nito na maaari silang makatulong sa ating kalikasan sa pamamagitan ng pagre-recycle at maaaring mas maganda pang gadget ang kanilang magawa mula sa mga lumang gadgets.


Sanggunian: